









Darnel Villaflor, Director - “‘Yung energy ng cast kasi, na-pi-pick up namin din ‘yon kasi very young, very youthful ‘yung buong cast at masaya silang lahat so nakikita rin ‘yon sa trabaho at sa mga pinagdadaanan namin sa show na ‘to.”ABS-CBN Entertainment on YouTube
Benedict Mique, Director - “For a filmmaker, ‘Darna’ was a playground na sobrang sarap maglaro. Minsan ka lang magkakaroon ng ganitong show na ibibigay sa‘yo ‘yung lahat ng resources to play with. As a filmmaker, it was an absolute playground, so ang sarap.”ABS-CBN Entertainment on YouTube
Avel Sunpongco, Director - “Siguro, ‘yung good vibe din nu’ng team, tapos ‘yung pagkakaintindihan lagi, especially pagdating sa planning, pagdating sa execution. So in a way, nagagawa namin nang maayos ‘yung mga trabaho namin.”ABS-CBN Entertainment on YouTube
LA Santos as Richard - “To be honest, I really love what I’m doing po and I’m really happy na nakilala ko po silang lahat—sila Jea, sila Jane, everyone in the cast of Darna, ‘yung mga pogi kong direktor. Sobrang thankful ako sa kanila kasi lahat sila, gina-guide po ako. ‘Yun ‘yung sobrang nakatulong po sa‘kin bilang baguhan na actor pa lang po. I really needed the help and the guidance po kasi ako, personally, I really want to do my best and I really want to improve more pa po. Since this is just my second project po as an actor, I’m taking this as my learning phase po talaga.”ABS-CBN Entertainment on YouTube
Mutya Orquia as Patricia - “Feel ko po ‘yung babaunin ko is ‘yung pagiging matapang. Mostly po kasi ngayon ng nakikilala kong mga Gen Z talaga is matapang, malakas ‘yung loob, and parang halos walang kinatatakutan.”ABS-CBN Entertainment on YouTube
Richard Quan as General Borgo/Rex - I’m fortunate enough na I’m working with the very generous directors, tapos plus, napakahusay ng mga [co-actors ko]. I’m just reacting actually sa mga co-actors ko, especially Janella and Jane.”ABS-CBN Entertainment on YouTube
Zaijian Jaranilla as Ding - “Siguro po, medyo nahirapan lang ako du’n sa pag-transition nu’ng bata to awkward stage kasi ‘yun po ‘yung sinasabi nila, pero sobrang thankful ako sa ABS-CBN dahil binigyan nila ako ng mga opportunities para ipakita at i-showcase ‘yung talent ko sa iba. Happy din po ako dahil isa sa mga pinakagusto kong parte sa pagiging artista ay nakakatrabaho ako ng mga iba pang batikan na mga aktor. Ang dami kong natututunan sa kanila, tsaka ang sarap din sa feeling na ‘pag may mga bata na pumapasok ay kuya po ‘yung tingin sa‘kin.”ABS-CBN Entertainment on YouTube
Janella Salvador as Valentina/Regina - “You know, it was so unexpected na i-e-embrace ng LGBTQ community ‘yung character ko, but it’s such a wonderful surprise and I’m proud to represent this community. I really fell in love with the character. I love Regina and I think she’s one of the best characters I have ever portrayed in my lifetime.”ABS-CBN Entertainment on YouTube
Jane de Leon as Darna/Narda - “Si Darna sa puso ko ay my mom talaga, kasi maraming siyang mga sacrifices na ginawa for us and for my family, and nagpapasalamat ako kasi kung hindi dahil sa kanya, wala ako dito sa sitwasyon na ‘to.”ABS-CBN Entertainment on YouTube